Thursday, March 5, 2026

PBBM, iinspeksiyunin ang bagong Kamuning Footbridge at Busway Station sa Quezon City

Iinspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong umaga ang bagong Kamuning Footbridge at Busway Station sa Quezon City.

Ito ang magiging kapalit ng matarik na tawiran na kilala bilang “Mount Kamuning.”

Bahagi ang proyekto sa modernisasyon ng EDSA Busway System, na layong pagandahin ang daloy ng pampublikong transportasyon sa EDSA.

Ang bagong footbridge ay may elevator, wheelchair lift, at direktang koneksyon sa busway station upang mas maging ligtas at madaling gamitin ng mga commuter.

Ayon sa Department of Transportation, sinimulan ang konstruksyon noong Agosto 14, 2025. may aprubadong budget na P89.1 million ang proyekto.

Inaasahang mas mapapadali nito ang paglipat ng mga pasahero papunta at palabas ng busway sa bahaging ito ng EDSA.

Facebook Comments