Friday, November 13, 2026

PBBM, isinusulong ang rehabilitasyon ng Agus-Pulangi power plants sa Mindanao

Isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapahusay sa mga hydroelectric power plant sa Agus-Pulangi upang madagdagan ang suplay ng kuryente sa Mindanao.

Target na maibalik sa mahigit 1,000 megawatts ang kayang gawin nitong kuryente at mapataas ang taunang produksyon mula 3,746 GWh sa 4,305 GWh.

Tinalakay ng Economy and Development Council ang plano na isailalim sa 25-taong kasunduan sa pribadong sektor ang pagpapatakbo at pangangalaga sa mga planta.

Sa ilalim nito, mananatili sa National Power Corporation ang awtoridad at pananagutan sa mga pasilidad, habang pribadong kumpanya ang mamamahala sa araw-araw na operasyon.

Nakapaloob din sa panukala ang limitasyong apat na piso kada kilowatt-hour sa singil sa kuryente, na kailangan pang aprubahan ng Energy Regulatory Commission.

Facebook Comments