
Nag-alay ng espesyal na misa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang para sa mga pamilyang apektado ng serye ng kalamidad.
Batay sa social media post, kasama ng Pangulo sa misa si First Lady Liza Marcos, habang dumalo rin ang dating First Lady Imelda Marcos at Irene Marcos.
Wala naman sa okasyon si Senador Imee Marcos at mga anak ng Pangulo na sina Sandro, Vinny, at Simon Marcos.
Ang misa ay ginanap sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Uwan at kasunod ng pagtama ng Bagyong Tino na nag-iwan ng higit 100 nasawi sa bansa.
Facebook Comments









