PBBM, pinangunahan ang AFP Command Conference ngayong araw

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kauna-unahang Command Conference ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa taong 2024.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., nagbigay ng mga direktiba ang pangulo partikular na ang paglaban sa local at communist terrorist groups gayundin ang patuloy na pagtatanggol sa soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Inatasan din ng pangulo ang Sandatahang Lakas na magsagawa ng tinatawag na paradigm shift sa kanilang mga kasalukuyang aksyon partikular na ang pagtutok sa cybersecurity.


Kasunod nito, ipinakilala na rin ni Gen. Brawner si Col. Francel Bernadeth Padilla bilang bagong tagapagsalita ng AFP kapalit ni Col. Medel Aguilar na mananatili naman bilang deputy chief ng Civil Relations Group.

Si Padilla ay naging finalist ng AFP Cybersecurity Woman of the Year 2023.

Mahigpit na tututukan ni Padilla ang pagpapakalat ng tamang impormasyon sa publiko gamit ang makabagong teknolohiya.

Facebook Comments