PBBM, sinopla ang mga kondisyon ni Apollo Quiboloy para sumuko ito sa mga awtoridad

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi pagbibigyan ng pamahalaan ang mga kondisyon ni Pastor Apollo Quiboloy ang mga kondisyon na para sumuko siya sa mga otoridad.

Ayon sa pangulo, walang saysay ang mga kondisyon Quiboloy dahil may mga kaso ito sa iba’t ibang korte.

Wala aniyang kamay ang pamahalaan para sumunod sa mga kondisyon ng pastor.


Dagdag pa ng pangulo, mukhang hindi nauunawaan ni Quiboloy ang proseso ng korte na kapag nag isyu ng bench warrant para sa pag-aresto, ay dapat korte ang kausapin at hindi ang gobyerno.

Matatandaang sinabi ng abogado ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na posibleng lumutang ang pastor kung matitiyak ng pamahalaan na hindi siya iti-turn over sa Amerika.

May kinahaharap din kasing kaso sa human trafficking sa Amerika si Quiboloy at may warrant of arrest mula sa Federal Bureau of Investigation (FBI) at itinuturing na pugante o most wanted person.

Facebook Comments