Nagpahayag ng suporta si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) para sa pagpapatupad nang Declaration ng Conduct of Parties sa South China Sea at suporta rin sa maagang konklusyon ng Code of Conduct.
Sa intervention ng pangulo sa 42nd ASEAN Summit retreat session sa Indonesia, sinabi nitong bilang pagsunod sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS kailangang matiyak na ang isyu sa South China Sea ay hindi magreresulta sa armed conflict o gulo.
Punto ng pangulo, kailangang iwasan ang anumang aggresive revision sa international order.
Dagdag pa ni Marcos kailangan nakabatay sa centrality ng ASEAN ang rules-based regional architecture para sa inclusive engagement sa Indo-Pacific.
Ayon pa sa presidente na sa kabila ng mga insidente ng pagharang ng mga Filipino vessels sa South China Sea, nanatili ang Pilipinas sa pagprotekta sa karagatan pag-aari ng Pilipinas batay na rin sa UNCLOS.
Una nang sinabi nang pangulo sa pagdalo nito sa 42nd ASEAN Summit sa Indonesia na mahalagang magkaroon ng South China Sea code of conduct para mas maging malinaw sa China at Pilipinas at ang mga kanya-kanyang karapatan.