Siniguro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kahandaan para magtrabaho kasama ang mga partners sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN sa pagtiyak ng food security.
Ang pahayag ay ginawa ng pangulo sa ginanap na 25th ASEAN Plus Three Summit sa Phonm Penh, Cambodia.
Sinabi pa ng pangulo na nanatiling handa ang Pilipinas para makipag-partner sa ASEAN Plus Three kaugnay sa New York Plan 2023-2027 na magsisilbing gabay o guide para sa susunod na limang taon.
Ang New York plan ay tatalakay sa iba’t ibang mahahalagang usapin kaugnay sa public health, food security, financial corporation at digital economy lalo na ang galaw ng rehiyon sa post pandemic recovery.
Sinabi ng pangulo sa ginanap na 25th ASEAN Plus Three Summit na para makamit ang food self-sufficiency at security kailangan ng mga innovative solutions sa pamamagitan ng pag-adopt ng mga bagong teknolohiya at paangatin ang ugnayan sa national, regional at global value chains.
Muli ring inihayag ng pangulo ang commitment ng Pilipinas na aktibong makikipag-ugnayan sa ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve o APTERR.
Ang APTERR ay malaki ang pakinabang sa iba’t ibang bansa na miyembro ng ASEAN lalo’t vulnerable ang mga bansang miyembro ng ASEAN sa iba’t ibang kalamidad at natural calamities dahil sa topography at geographic location.
Inirekomenda rin ng pangulo ang exploration ng smart agriculture at pagsasagawa ng capacity building programs para sa mga miyembro ng ASEAN maging ang pagpapatuloy ng pagsasagawa ng forums na magsisilbing platforms para talakayin ang concerns patungkol sa agrikultura at food security.