Pagpatay kay Lapid, pinapaimbestigahan din sa Kamara

Hinikayat ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Representative France Castro ang Mababang Kapulungan na aksyunan ang inihain nilang House Resolution 468.

Nakapaloob dito ang pagsasagawa rin ng Kamara ng imbestigasyon ukol sa pagpatay sa mamamahayag na si Percival Mabasa o Percy Lapid.

Ayon kay Castro, napakahalaga na magkaroon ng isang independent probe sa kaso ng pagpatay kay Lapid sa harap ng mga sumusulpot na mga anggulo na nagtuturo ng posibleng mastermind sa krimen.


Giit ni Castro, kailangang siguraduhin din ng Kongreso na makamit ng pamilya Lapid ang tunay na hustisya.

Binigyang diin ni Castro na panahon na para tuldukan ang panggigipit at pagpatay sa media workers.

Facebook Comments