
Nanindigan ang Malacañang na magpapatuloy ang trabaho ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kabila ng lumabas na survey na mas maraming Pilipino ang hindi nagtitiwala sa kanya.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, hindi hadlang ang resulta ng survey sa pagpapatuloy ng tungkulin ng Pangulo at mananatili itong nakatuon sa pagseserbisyo sa publiko.
Patuloy rin aniya na pinakikinggan ng Pangulo ang hinaing ng mamamayan at isinusulong ang mga programa ng gobyerno.
Ang pahayag ay kasunod ng Pulse Asia survey kung saan mas marami ang nagsabing hindi sila nagtitiwala sa Pangulo kaysa sa may tiwala.
Giit ng Malacañang, mas mahalagang tingnan ang mga ginagawa ng administrasyon para sa taumbayan kaysa sa mga numero ng survey.
Facebook Comments










