PBBM, uupo sa BiCam kung kailangan para matutukan ang 2026 national budget

Personal na tututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang buong proseso ng 2026 national budget.

Ayon kay Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, sinabi ni Pangulong Marcos na kailangang maupuan ito sa simula pa lamang ng paglalatag ng priority projects na popondohan.

Ito ay para matiyak aniya na naaayon sa mga prayoridad ng gobyerno ang ipapasang panukalang pambansang budget at tanging ang mahahalagang proyekto lamang ang maisasama sa mapopondohan.

January 2025 pa lamang nang matapos ang 2025 national budget ay ibinilin na ni Pangulong Marcso para sa 2026 budget.

Sabi ni Pangandaman, ang target na spending level para sa 2026 ay nakabase sa Medium-Term Fiscal Framework ng gobyerno, na posibleng gumugol ng halos P7 trillion.

Nakatakdang magpulong ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Lunes, para isapinal ang budget ceiling, batay sa revenue projections mula sa Department of Finance (DOF), Bureau of Internal Revenue, at Bureau of Customs.

Facebook Comments