
Isinagawa ngayong araw ang Philippine National Police o PNP-Wide Annual Inspection of Disaster Response Equipment.
Ginawa ito sa Camp Crame sa pangunguna ni PNP Chief PGen. Rommel Marbil kung saan simultaneous din itong ginawa sa iba pang Police Regional Offices.
Sa datos ng PNP, mayroon silang 8,422 search and rescue equipment tulad ng bolt cutter, heavy duty search light, acetylene oxygen set, chainsaw atbp.
Mayroon din silang 26,110 na communication equipment tulad ng tactical radios, digital mobile radios at iba pang communication tool kit, 9,328 na transportation equipment na kinabibilangan ng patrol car, special purpose vehicle, pick up, personnel carrier 4×4, utility truck, van at mga motorsiklo.
Habang mayroon din silang 21,840 manpower na nakahanda sa pagresponde sa sakuna.
Binubuo ito ng Urban Search and Rescue Team, Water Search and Rescue Team, Humanitarian Assistance and Disaster Relief Team, Retrieval operations team atbp.