Wednesday, April 15, 2026

12 milyong physical National ID, target maideliver ngayong taon — PSA

Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na target nilang maideliver ngayong taon ang 12 milyong physical National ID, bagama’t wala pang eksaktong petsa kung kailan ito matatapos.

Ito ang naging pahayag ng ahensya sa pagdinig sa Senate of the Philippines noong April 14 kaugnay sa estado ng implementasyon ng National ID system.

Ayon kay Ma. Fides Marquez, Project Development Officer V ng Social Protection Use Case Division, karagdagan ito sa 55 milyong ID cards na naideliver na, at sa mahigit 49.47 milyong paper-format IDs na naipamahagi hanggang March 15.

Samantala, maaari na ring ma-access ang mahigit 90 milyong digital National ID sa website ng PSA.

Matatandaang naisabatas ang Philippine Identification System Act noong 2018, ngunit hanggang ngayon ay may mga Pilipino pa ring hindi pa natatanggap ang kanilang physical ID.

Facebook Comments