PBBM, wala nang nararamdamang sintomas ng COVID-19

Wala nang anumang nararamdamang sintomas ng COVID-19 si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ito ay matapos na bumisita kahapon ang kaniyang doktor na si Dr. Samuel Zacate kung saan sa ngayon ay asymptomatic na ang pangulo.

Sa ngayon ay tinatapos na lamang ng pangulo ang kaniyang pitong araw na isolation period at makakabalik na ito sa mga aktibidad simula sa Biyernes.


Nagpositibo si Pangulong Marcos sa COVID-19 noong July 8 pero pinangunahan pa rin niya ang ikalawang cabinet meeting ng administrasyon sa pamamagitan ng teleconference.

Facebook Comments