
Itinalaga ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. si Police Brigadier General Rommel Sta. Ana Batangan bilang acting director ng Highway Patrol Group (HPG) simula ngayong Huwebes.
Si Batangan ay nagsilbi bilang Deputy Regional Director for Administration ng Police Regional Office 3.
Pinalitan niya si PBGen. Jessie Tamayao na boluntaryong bumaba sa pwesto kahapon matapos ang ireklamo ng sexual harrassment ng isang babaeng pulis sa National Police Commission (NAPOLCOM).
Kung saan mariing itinanggi ni Tamayao ang mga paratang at iginiit na inosente siya sa reklamong isinampa sa kanya.
Dagdag pa ni Tamayao na ang kanyang pagbibitiw ay hindi pag-amin ng kasalanan kundi pagpapakita ng paggalang sa due process at sa institusyon ng PNP.










