
Inireklamo sa office of the Ombudsman si Caloocan 3rd District Rep. Dean Asistio kaugnay ng umano’y P79.2 million na “ghost” at overpriced flood control projects sa kaniyang distrito.
Kasong graft, malversation at falsification of public documents ang isinampa laban kay Asistio.
Ang complainant ay si dating Caloocan Mayor Rey Malonzo.
Kasama rin sa kinasuhan ay si Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engineer Ruel Umali at anim na private contracting companies.
Batay sa 27- pahinang reklamo, sa kabila ng naaprubahan, napondohan at naipatupad, karamihan sa mga proyekto ay ghost o hindi naitayo at mga substandard.
Kabilang dito ang dalawang flood control projects na nagkakahalaga ng
P19.2 at P6.7 million, sa Barangay 187 (Tala) at P11.7 million na road construction sa Barangay 159.
Overpriced din umano ang Php 9.7-M na covered court rehabilitation sa Barangay 187 na ang halaga lang dapat ay mulaP150,000 hanggang P300,000.
Mataandaan na sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee noong September, 2025, kabilang si Asistio sa 18 na mambabatas at DPWH officials na pinangalanan ng contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya na umano’y kumukubra ng 10 percent cut sa implementasyon ng flood control projects.










