PCG, naglabas ng notice to mariner kaugnay ng nawawalang Taiwanese – flagged fishing vessel

Naglabas ng notice to mariner ang Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay ng nawawalang Taiwanese – flagged fishing vessel na Sheng Feng No. 128.

Ayon sa PCG, ang notice to mariner ay para sa lahat ng mga sasakyang pandagat, lalo na sa malalaking mga barko na sakaling mamataan ang Sheng Feng 128 o may makitang mga nakalutang na mga mangingisda at nangangailangan ng tulong ay agad na saklolohan at ipaalam sa PCG.

Sa ngayon, nagtutulong-tulong na ang dalawang Taiwan coast guard cutter, walong Taiwanese fishing vessel, isang commercial vessel, at ang dalawang eroplano ng US Coast Guard sa paghahanap sa nawawalang barko.


Habang ang Coast Guard Aviation Force ay nagpapatuloy sa paghahanap sa karagatan ng Eastern Visayas at Bicol Region.

Facebook Comments