PDL’s ng BJMP Cauayan, Nakiisa sa Community Service Relations Month!

Cauayan City, Isabela- May kabuuan na 39 mula sa kindergarten at Grade 1 pupils ng Doňa Pacita Elementary School ang nabigyang tulong ng mga ‘Persons deprived of liberty o PDL’ gaya ng pagsasagawa ng Feeding Program at Pamimigay ng mga gamit eskwela gaya ng mga coloring books, raincoat at tumblers kasabay ito ng pagdiriwang ng Community Service Relations Month ng Bureau of Jail Management and Penology sa Cauayan City, Isabela.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay JO1 Flordeliza Santa Monica,tagapagsalita  ng BJMP Cauayan, ito ay boluntaryong pagtulong ng mga PDL’s sa mga bata at sa kanila mismo galing ang mga ipapamigay na gamit at ipapakain sa mga ito.

Samantala, sinabi pa ni J01 Santa Monica na magsasagawa ang kanilang pamunuan ng ilang mahahalagang aktibidad gaya ng penology symposium na sesentro naman sa isyung panlipunan gaya ng Anti-Smoking Campaign at Anti- Illegal Drugs Campaign na isasagawa sa loob ng buong buwan ng hunyo bilang bahagi ng Community Service Relations sa buong bansa.


Patuloy namang magsasagawa ang BJMP Cauayan ng mga aktibidad upang higit na makatulong sa buong komunidad kasabay ng kanilang pagdiriwang.

Facebook Comments