Cauayan City, Isabela – Muling nagsagawa ng regular na pagpupulong ang Provincial Disaster Rish Reduction Management Council o PDRRMC kahapon sa kapitolyo ng Isabela.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Romy Santos, ang Provincial Media Relation Officer na aniya ang naturang pagpupulong ay dinaluhan ng lahat ng ahensya dito sa lalawigan bilang second quarter business meeting ng PDRRMC.
Ang pagpupulong umano ay hindi lamang sa panahon ng kalamidad kundi ito ay isang mandato ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC na magkaroon ng regular na pagpupulong mula national hanggang sa barangay level.
Kabahagi ri umano ito sa pagpapanatili at pagkilala sa Isabela bilang isang hall of fame o bilang Gawad Kalasag pagdating sa disaster preparedness.
Ayon pa kay Romy Santos, layunin ng nasabing pulong na lalong paghandaan ang mga darating na kalamidad na isa rin sa kagustuhan nina Governor Faustino “Bojie” Dy *III* at Vice Governor Antonio Tony Pet Albano.