
CAUAYAN CITY – Namahagi ng Low Earth Orbit (LEO) Starlink satellites ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Region 2 sa lalawigan ng Quirino.
Ipinasakamay ang mga satellite na ito sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) at anim (6) na Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMOs) sa nabanggit na lalawigan.
Nagpasalamat naman si Governor Dakila “Dax” Cua dahil malaking tulong umano ito na mapabilis ang komunikasyon sa pagitan ng mga rescues sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Binigyang diin pa nito ang kahalagahan ng maayos na komunikasyon at laging pagiging handa upang ligtas sa anumang kalamidad.
Facebook Comments









