4P’S BENEFICIARIES, PINAALALAHANAN NA HUWAG PALILINLANG SA MGA PULITIKO

Cauayan City – Nagpaalala ang DSWD sa mga benepisyaryo ng 4Ps na huwag magpaloko sa mga pulitikong ginagamit ang programa para sa kampanya.

Ayon kay 4Ps Social Marketing Division Chief Marie Grace Ponce, ipinagbabawal ng ahensiya ang paggamit ng kanilang programa para sa anumang pampulitikang layunin.

Nilinaw rin niyang tanging DSWD ang may kapangyarihang maglista at magtanggal ng benepisyaryo, kaya’t hindi dapat paniwalaan ang mga kandidatong nagsasabing kaya nilang baguhin ang listahan ng 4Ps.

Pinayuhan din ang publiko na mag-ingat sa mga pagtitipong posibleng gamiting pangampanya at agad i-report ang anumang pang-aabuso ng mga pulitiko kaugnay sa 4Ps.

Facebook Comments