MGA MAGSASAKA SA QUIRINO, SINURI ANG ANGKOP NA PAGSASANAY SA RiceBIS

Cauayan City – Isinagawa ng 35 members ng Bannawag Sur Farmer Association ang pagsusuri para sa angkop na pagsasanay sa RiceBIS.

Pinangunahan nina Aldrin Abarca at Fevie Dianne Peralta mula sa Agricultural Training Institute-Regional Training Center 2 Planning Monitoring and Evaluation Unit ang aktibidad gamit ang “Lightning Decision Jam,” isang workshop na nagpapadali sa pagtukoy ng mga suliranin at pagbubuo ng mga solusyon.

Ang mga nakalap na datos ay gagamitin sa pagpaplano ng mga angkop na pagsasanay at programa para sa Bannawag Sur Farmers Association.

Ang pagsusuring ito ay bahagi ng action plan na itinakda sa RiceBIS 2.0 Site Working Group (SWG) meeting, kasama ang iba’t ibang katuwang na institusyon sa Quirino.

Layon ng Site Working Group na palakasin ang kooperasyon ng mga farmer cooperatives at associations sa pamamagitan ng mas matibay na ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno upang mapabuti ang sektor ng agrikultura sa rehiyon.

Facebook Comments