PEACE TALKS | 3 buwan na walang back-channel talks sa CPP-NPA-NDF gagawing panahon ng konsultasyon ng pamahalaan sa publiko

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na gagamitin sa konsultasyon ng Pamahalaan ang tatlong buwan na bakante matapos pansamantalang putulin ang back-channel talks ng gobyerno sa Communist Party of the Philippines New Peoples Army National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque matapos kumpirmahin na pinutol na muna ng pamahalaan ang anumang pakikipag-usap sa rebeldeng grupo.

Ayon kay Roque, bukod sa muling pag-aaral sa mga una nang napagkasunduan ng dalawang grupo para sa peace talks ay gagamitin din ng pamahalaan ang tatlong buwan para alamin ang saloobin ng publiko sa peace talks.


Sinabi ni Roque na bukod sa publiko ay aalamin din ng pamahalaan ang sentimyento ng lahat ng ahensiya ng pamahalan kaugnay sa usapang pangkapayapaan nang sa ganon ay malaman ng gobyerno kung ano ang nais na mangyari ng lahat ng sector.

Nagpasalamat din naman si Roque sa Royal Norwegian Government sa pagtayo bilang 3rd party facilitator sa peace talks.

Facebook Comments