Peñafrancia FEST: # 1 PRIORITY – Ligtas at Masaya ang Lahat, SIGNAL JAMMING Ipapatupad

Kaugnay pa rin ng kasagsagan ng pagdaraos ng kapyestahan ng Our Lady of Peñafrancia dito sa Camarines Sur, particular sa Naga City, muling ipapatupad ang SIGNAL JAMMING bukas tanghali – maghapon sa pagdaraos ng Military Parade at pinaka-aabangan na FLUVIAL PROCESSION sa darating na Sabado tanghali-maghapon din September 15.

Ang Our Lady of Penafrancia Festival ay itinuturing na siyang pinakamalaki, pinakatanyag na Marian Devotion sa Asian Region. Si Our Lady of Penafrancia rin ang kinikilalang Patroness at INA ng buong BIKOLANDIA.

Magugunitang nitong nakaraan biernes, September 7, pinatupad din ang SIGNAL JAMMING na naglalayong matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga deboto lalung-lalo na yong mga may taunang panata na sumama sa Traslacion.


Ang TRASLACION ay hudyat ng pormal na pagsimula ng Our Lady of Penafrancia Festival kung saan nililipat sa pamamagitan ng prosisyon ang imahen ni Our Lady of Penafrancia mula sa Penafrancia Church patungong Naga City Cathedral.

Mananatili ang imahen ni Inang Penyafrancia sa Naga City Cathedral sa loob ng isang linggo. Nakatakda naman siyang ilipat sa pamamagitan ng FLUVIAL PROCESSION mula sa Cathedral patungong Basilica Church sa darating na Sabado at ang okasyong ito ay tradisyunal ng sinasabayan at dinadagsa ng libu-libong mga deboto.

“Kaya ang SIGNAL JAMMING ay importanteng hakbang para lalong mapangalagaan ang kaligtasan ng lahat.” Ito naman ang pahayag ni PNP Camarines Sur PCR Chief PSUpt Venerando Ramires. Idinagdag pa niya na ang pansamantalang pag-0ff ng SIGNAL ng mga communication lines sa Naga City ay makakatulong din upang maka-focus at mag-enjoy ang mga deboto at mga bisita sa iba’t-ibang events sa kasentruhan ng Naga City.

Pix credit to Naga Smiles to the World

Facebook Comments