Patung-patong na kaso ang kinahaharap ng isang pekeng doktor sa isang klinika matapos maaresto sa lungsod ng Maynila.
Kinilala ang nagpakilalang doktor na si Omar Oharin na inaresto ng mga tauhan ni PMaj. John Oticay ng PCP Commander Manila Police District (MPD) Station 7.
Inaresto si Oharin dahil nagreklamo ang may-ari ng klinika at nakumpiska sa kanya ang kanyang uniporme na nakaborda ang kanyang pangalan at may logo ng tatlong kilalang malaking hospital at pekeng Professional Regulation Commission (PRC) ID at iba.
Napag-alaman na si Omar ay tinanggap noong Nobyembre 8 bilang isang empleyado.
Nadiskubre ang pagiging pekeng doktor nang malaman na wala siya sa listahan ng mga doktor sa PRC at dito na ikinasa ang pag-aresto sa kanya noong Lunes at kinumpiska ng mga awtoridad ang kanyang ginagamit na uniporme at ang plastic laminated na PRC ID.
Nakapiit na ngayon sa MPD Station 7 ang pekeng doktor.