Monday, February 9, 2026

Pekeng pari na sangkot sa online scam, naaresto ng NBI

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang pekeng pari na nagso-solicit sa mga biktima online.

Ang pagkakaaresto sa pekeng pari ay kasunod ng reklamo ng isang miyembro ng clergy kung saan ginamit ng suspek ang kanyang pangalan at larawan para makahingi ng mga donasyon.

Agad namang nagsagawa ng entrapment operation ang NBI kung saan naaresto ang suspek.

Nabawi rin sa kanya ang marked money at mobile device na ginagamit nito sa kanyang modus.

Ang suspek ay nahaharap sa mga kasong Identity Theft sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012 at Estafa sa ilalim ng Revised Penal Code.

Facebook Comments