Pelikulang “Darna” na pagbibidahan ng aktres na si Jane de Leon, hindi na matutuloy

250

How true ang chikang hindi na raw matutuloy ang pelikulang “Darna” na pagbibidahan sana ng baguhang aktres na si Jane de Leon?

Ayon sa isang showbiz insider, business decision daw ng star cinema na huwag nang ituloy ang pelikula matapos na umabot sa 140 million pesos ang kabuuang gastos sa production cost nito at nangangailangan pa ng 100 milyong piso para makumpleto ang Darna the movie.


Noong si Angel Locsin pa raw ang Darna, sinasabing “Php20m” na ang nagastos para sa preparasyon ng produksyon, habang nasa “Php70m” naman ang naging expenses sa panahon ni Liza Soberano at “Php50m” naman ng simulan ang movie production ni Jane.

Malaki na raw ang nagastos na, mahihirapan na raw makabawi kung aabot ng Php240m ang gastusin sa produksyon.

Nabatid na kapwa nagback-out sa pelikula sina Angel at Liza dahil sa health problem kaya napunta ang Darna kay Jane na isa sanang “big break” sa kaniyang career pero hindi na nga matutuloy.

Facebook Comments