Peoples Day ng ARMM Govt sa Marawi city ginawang Special

Special ang ginagawang Peoples Day ng ARMM sa Marawi city dahil itoy para sa mga Internally Displace Person na nanatili parin sa ilang evacuation center sa loob ng siyudad.
Ayon kay Maam Myrna Jo Henry ng ARMM HEART, sa panayam sa kanya ng RMN Cotabato DMY, nagconverge ang ibat-ibang ahensya ng ARMM para ibigay at ipadama sa mga bakwit ang kanilang aaruga at pamamahagi ng tulong o relief items at check-up sa kondisyon ng kalusugan ng mga IDP’s.
Ilang araw na silang nag-iikot sa ibat-ibang evacuation centers, maging doon sa mga IDP’s na pinauwi mula sa Iligan City.

Facebook Comments