Nakatakdang mamahagi ngayong araw ng relief goods ang peoples medical team ng provincial government office ni Maguindanao Gov.Esmael Toto Mangudadatu…Sinabi ni mam Lynette Estardante ang focal person ng peoples medical team, na dalawang libo packs ng bigas ang ibibigay sa bayan ng datu montawal habang isang libo naman sa bayan ng Pagalungan..
Anya pa patuloy parin sa repacking ang kanyang mga tauhan para sa pamamahagi parin ng relief sa mga sinalanta ng bagyong si Vinta.Silay nakipag ugnayan narin sa ibang ahensya ng pamahalaan hinggil sa relief operations ngayong araw. Dalawa katao naman ang naitalang nalunod sa bayan ng datu montawal kasabay ng flashfloods na naranasan noong pasko..
Sinabi pa ni Mam Lynette Estardante na mabutit mabilis na humupa ang baha sa dalawang bayan ng maguindanao ang pagalungan at montawal, at hindi naman naapektuhan ng pagbaha ang iba pang munisipyo sa lalawigan…Inaasahang silay magbibigay ng assistance sa dalawang nasawi sa flashfloods na nakita narin ang isang bangkay.
Samantala Mamahagi din ng tulong o relief ang peoples medical team sa mga residente ng Hill 224 sa bayan ng datu unsay na nagsilikas dahil sa bakbakan ng military at BIFF kamakalawa ng gabi…Inihayag niya na patuloy parin ang kanilang validation kung ilang pamilya na ang naapektuhan ng kaguluhan… Sa ngayon ay hinihintay pa nila ang report mula sa PNP at Militar.
Peoples Medical team mamahagi ng relief sa dalawang bayan ng maguindanao
Facebook Comments