Personal data ng 22,000 members ng S&R Membership Shopping, nakuha ng hackers

68

Kinumpirma ng National Privacy Commission (NPC) na nabiktima ng cyber attack ang isang membership shopping sa bansa.

Ayon sa NPC, nadiskubre ng S&R ang insidente ng cyber attack noong Nobyembre 14 at nagsumite na sila kahapon ng supplemental breach report.

Kabilang anila sa posibleng nakompromiso ay ang mga personal na impormasyon ng 22,000 nilang members kabilang ang contact number.


Nilinaw naman ng isang opisyal ng S&R na hindi kasama sa nakuha ng hackers ang credit card information.

Sa ngayon, inatasan na ng NPC ang S&R na abisuhan ang mga indibidwal na apektado ng cyber attack.

Facebook Comments