Peter Lim, muling binantaan ni PRRD na papatayin

Muling nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte kay suspected drug lord at businessman Peter Lim na huwag magpakita sa kanya o haharapin nito ang kanyang kamatayan.

Sabi ng Pangulo – dapat lang na magtago si Lim.

Inalala pa ng Pangulo noong panahong nakipagpulong sa kanya ang Cebu-businessman para igiit na hindi siya sangkot sa illegal drug trade.


Aniya, dapat binaril na niya sana noon si Lim kung mayroon lamang inilabas na arrest warrant laban sa kanya.

Muli ring nagbabala ang Pangulo sa mga adik sa droga na pakalat-kalat sa kalsada.

Facebook Comments