Petisyon laban sa pagbabawal ng MMDA sa mga provincial bus na dumaan sa EDSA, inihain ng mga kongresista

Inihain na sa Korte Suprema ng Ako Bicol Partylist sa Kamara ang petisyong kumukwestyon sa panukala ng MMDA na ipagbawal ang provincial bus sa pagdaan sa EDSA.

 

Pinangunahan ni Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin ang paghahain ng petisyon para ipatigil ang pagpapatupad ng provincial bus ban pati na ang pagkansela sa kanilang terminal permits.

 

Marami umano silang natatanggap na reklamo mula sa drivers, operators at commuters.


 

Inihain ng grupo ang petition for certiorari, prohibition at mandamus at application for Writ of Premilinary Injunction o Temporary Restraining Order para kuwestyunin ang legalidad ng bus ban na sinasabing makapagbibigay ng solusyon sa trapiko sa EDSA.

 

Iginiit nito na hindi dumaan sa public consultation ang panukala kaya nilalabag umano ng MMDA ang due process o karapatan ng mamamayan na malaman ang isang isyung direktang nakakaapekto sa kanila bago sana ito ipatupad.

Facebook Comments