Local absentee voting, umarangkada na

Umarangakada na ang unang araw ng local absentee voting sa bansa para sa  mga kawani ng PNP, AFP at Media.

 

Kanina, maagang nagbukas ang local absentee voting sa Comelec NCR sa Intramuros, Maynila.

 

Isinagawa ang botohan sa ikalawang palapag ng Femni Building sa Intramuros.


 

Ayon kay Jose Burgos Election Assistant 2 ng Comelec at tumatayong Chairman para sa absentee voting ng media , comelec employees at partylist sa NCR..tatagal ang local absentee voting hanggang sa Mayo a uno.

 

Aniya, kahit na holiday  sa Miyerkules ay tuloy ang local absentee voting

 

Nagsimula ang local absentee voting kaninang alas otso ng umaga  hanggang kaninang hapon.

Facebook Comments