Petsa ng paghahain ng COC para sa mga tatakbo sa BSKE, iniurong ng COMELEC

Inurong ng Commission on Elections (COMELEC) ang petsa ng paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa mga tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Mula July 3 hanggang July 7, itinakda ng COMELEC sa August 28 hanggang September 2 ang paghahain ng kandidatura para sa mga tatakbo sa BSKE.

Kasunod ito ng kahilingan ng Senado dahil kapos na sa panahon para sa preparasyon ang Local Government Units (LGUs).


Ayon sa COMELEC, makatutulong din ito sa kanila para resolbahin muna ang election-related cases.

Ang BSKE ay idadaos sa October 31.

Facebook Comments