PEZA: Halaga ng pamumuhunan sa bansa noong Enero, umabot sa mahigit P2-B

Inaprubahan ng Philippine Economic Zone Authority Board at Executive (PEZA) committee ang mahigit P2 bilyon na pumuhunan nitong nakaraang Enero lamang.

Ang naturang mga investment ay mula sa 12 bago at expansion project kabilang ang pitong ecozone export enterprises, apat na IT enterprises at isang facility enterprise.

Bukod dito, ang mga proyektong ito’y inaasahang mag-generate o bubuo ng humigit kumulang 69.6 million US dollars na export at lilikha ng mahigit isang libo tatlong daang trabaho.


Kumpiyansa naman ang PEZA na mas makakuha pa ng mas marami pang pumuhunan ang mga bagong expansion project na matatagpuan sa Cavite Economic zone, Laguna techno park, Quezon City, Taguig City at Makati City.

Facebook Comments