Phil. Coast Guard – handa na sa pagsisimula ng diving season sa bansa ngayong Marso

Manila, Philippines – Handa na ang Philippine Coast Guard sa mahabang diving season na nagsimula ngayong buwan ng Marso.
 
Kaugnay nito ay pinaistambay na ng PCG ang kanilang hospital ship sa Puerto Princesa bilang  preparasyon sa pagsisimula ng mahabang dive  sa UNESCO world heritage site na Tubattaha reef na binubuo ng 130,000 ektaryang bahagi ng karagatan o marine park sa gitna ng Sulu sea.
 
Sa interview ng RMN kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo – daan-daang scuba divers mula sa iba’t ibang bansa ang gagalugad dahil sa pambihirang species na nabubuhay sa makasaysayang reef.
 
Bunsod nito, sinabi ni Balilo na mahalagang mailapit pa sa Tubataha reef ang BRP Batangas, isang search and rescue vessel ng PCG na nagtataglay ng decompression chamber, hyperbaric doctor na handang tumulong sakaling may diver na magkaroon ng tinatawag na “Decompression Sickness”.
 
Bilang pagsisimula ng dive season ngayong summer, una munang pupuntahan ng mga scuba diver ang apo reef sa Mindoro Occidental  at sa Coron,  Palawan saka sila magtutungo sa susunod na linggo sa Tubataha reef.
 
Ang Tubattaha reefs dive season ay isa sa mga proyektong isinusulong ng Department of Tourism dahil sa taglay na yaman at kagandahan, na tanging sa Pilipinas lang makikita.

RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments