Muling ipinaalala ng PhilHealth na itataas na sa 5% ang premium rate ng kontribusyon para sa taong 2024.
Kung matatandaan sa nakalipas na taon nasa 4% lamang ang premium rate na nagiging kontribusyon ng bawat empleyado.
Ayon kay PhilHealth President Emmanuel Ledesma Jr., sa loob ng 13 taon, nito lamang December 2023 sila nagtaas ng premium rate para sa kada buwan na kontribusyon.
Aniya, malaki ang maitutulong ng pagtaas ng premium rate ng kontribusyon para sa mga miyembro at empleyado nito dahil sa makukuhang benefit sa bawat mangangailangan ng serbisyo ng PhilHealth.
Kung noon ay nasa ₱400 lamang ang kontribusyon ng bawat empleyado ngayon ay nasa ₱500 to ₱5,000 na kada buwan na ang kontribusyon para sa mga sumasahod ng ₱10,000 to ₱100,000 o basic pay kada buwan.
Samantala, tiniyak naman ng PhilHealth na magagamit ng mga empleyado at mapupunta sa tama ang mga kontribusyon ng bawat empleyado para maihatid sa kanila ang iba’t-ibang serbisyo na ino-offer ng Philhealth.