Philippine Embassy sa Thailand, hindi na mag-iisyu ng request letter sa mga magre-renew ng visa

57

Nag-abiso ang Philippine Embassy sa Filipino community sa Thailand na hindi na sila mag-iisyu ng request letters na naka-address sa Thai Immigration Bureau.

Partikular ang sulat para sa kahilingang extension ng Thai visa para sa mga Pinoy roon.

Sa ngayon kasi ay maluwag na ang Thailand sa health protocols at naghahanda na ito para sa pre-pandemic normal sa susunod na buwan.


Magugunitang sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic mula noong 2020 ay nag-iisyu ang Philippine Embassy ng sulat para sa visa extension ng mga stranded na Pinoy sa Thailand para hindi sila makasuhan sa iligal na pag-overstay sa bansa.

Facebook Comments