Philippine Marine Corps, may bagong pinuno

Itinalaga si Major General Arturo Rojas bilang bagong commandant ng Philippine Marine Corps.

Natanggap nito ang kanyang official appointment mula kay Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr., na ipinadala naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong April 25.

Ayon kay Rojas, dream come true at isang answered prayer ang pagkakatalaga sa kanya bilang bagong pinuno ng Philippine Marine Corps.


Aniya, pinaghirapan nya ang nasabing posisyon at naniniwalang nararapat sya sa bagong pwesto dahil nasunod nito ang tinatawag na career ladder of a marine officer.

Si Rojas ay tubong Koronadal, South Cotabato at kabilang ito sa PMA Class Bigkis Lahi of 1990.

Facebook Comments