Philippine Red Cross at RMN Foundation, Inc. lumagda na ng kasunduan para mag-promote ng mas malawakang pagbo-volunteer sa panahon ng kalamidad

53

Lumagda na ng kasunduan ang Philippine Red Cross (PRC) at ang RMN Foundation, Inc. na siyang social responsibility arm ng RMN Networks, Inc.

Nilalaman ng MOA ang pagpapaigiting sa magandang relasyon ng PRC at ng nasabing Foundation para i-promote ang mas malawakang pagbo-volunteer sa kaganapan ng lokal at nasyonal lalo na kung panahon ng mga kalamidad.


Lakip ng nasabing MOA ang pagsasagawa ng blood donation drive at iba pang related-activities ng bansa sa pamamagitan ng RMN’s radio networks.

Present in the virtual sign-off sina; Honourable Senator Richard “Dick” Gordon, Chairman at CEO ng Philippine Red Cross (PRC), at si Ms. Elizabeth Zavalla, Secretary General ng PRC.

Kinatawan naman ng RMN Foundation sina;
• Mr. Eric S. Canoy – Chairman at President ng RMN Networks, Inc., at ng RMN Foundation, Inc.
• Ms. Erika Canoy-Sanchez – Executive Vice President + Chief Operating Officer of RMN Marketing & Media Ventures, and RMN Foundation, Inc.
• Ms. Rhoda Navarro – Corporate Social Responsibility Manager, of RMN Networks, Inc. and RMN Foundation, Inc.

Facebook Comments