Phl Karatedo Team, nagdagdag ng apat na Bronze Medals

44

Patuloy na nag-aambag ang Karatedo Team ng medalya para sa Pilipinas sa nagpapatuloy na ikalawang araw ng kanilang torneyo.

Bronze Medal ang inuwi ni Jayson Macaalay matapos ma-disqualified ang pambato ng Thailand sa Men’s 60kg Kumite.


Humakot din ng Bronze Medals ang Women’s Team na sina Nicole Dantes, Ronaldene Flores, at Rebecca Torres makaraang talunin nag Brunei Team.

Sina Joane Orbon at Mae Soriano ay nag-uwi rin ng Bronze Medals sa women’s 61kg at 58kg.

Facebook Comments