PHO AKLAN, NAKAALERTO SA POSIBLENG PAGTAAS PA NG DENGUE CASES

Kalibo, Aklan- Pinaghahandaan na ng Provincial Health Office Aklan ang posibleng pagsipa ng dengue cases sa probinsya. Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon Jr. ng PHO – Aklan na nagsagawa na sila ng consultative meeting sa mga Rural Health Units sa posibleng reactivation ng mga dengue task force. Sa katunayan aniya ay namahagi na sila sa mga RHU ng NS1 Antigen test kit para sa mga probable na may dengue at mapadali ang paggamot sa mga ito. Inabisuhan rin nito ang publiko na kung magkaroon ng lagnat, bleeding, pananakit ng tiyan at iba pa ay agad na magpakonsulta sa doktor. Makakabuti rin aniya na ugaliing sundin ang 4s strategy ng Department of Health: 1. Search and destroy sa mga breeding sites, 2.Seek early consultation and treatment, 3.Self protective measures, at 4.Say no to indiscriminate fogging. Nakahanda na rin ang mga hospital sa oras na magkaroon ng outbreak sa pamamagitan ng paglalagay ng fast lane para sa mga pasyente. Dagdag pa ni Cuachon na malimit sa hapon lumalabas ang mga lamok na aedes aegypti na nagdadala ng naturang sakit. Nagpaalala din ito na mainam na magsuot ng mga pajama o mahahabang damit ang mga bata lalo na at unti- unti na rin ang pagbabalik ng mga face to face classes.
Facebook Comments