Tuesday, April 14, 2026

Mga miyembro ng House Committee on Justice, hinamon si VP Duterte na humarap sa impeachment hearing

Sa halip na maghain ng kaliwa’t kanang petition sa Supreme Court ay hinamon ng mga kongresistang miyembro ng komite si Vice President Sara Duterte na humarap sa impeachment hearing at sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya na nakapaloob sa impeachment complaints.

Ayon kay House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur, mas mainam na direktang sagutin ni VP Sara ang mga akusasyon laban sa kanya dahil gumagana naman ang due process at binibigyan sya ng pagkakataon ng komite na magpaliwanag.

Giit naman ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, dapat ay tigilan na ni VP Sara at kanyang kampo ang mga palusot at pagpigil sa proseso ng impeachment na nakapaloob sa konstitusyon at mga umiiral na patakaran.

Punto naman ni Manila Rep. Benny Abante, kung walang itinatago ay walang dapat na ikatako.

Dismayado naman ang Chairperson ng komite na si Batangas Rep. Gerville Luistro na puro pag-iwas at pagtatago sa teknikakidad ang ginagawa ni VP Duterte sa halip na sagutin ang mga seryosong alegasyon laban sa kanya.

Sa hearing ngayon ay pangunahing aantabayanan ang magiging testimonya ni Ramil madriaga na nagpakilalang dating aide ni VP Duterte at may kaalaman kaugnay sa confidential funds nito.

Bukod kay Madriaga ay present din ngayon sa impechment hearing ang mga pinadalhan ng komite ng subpoea tulad ng kanyang abogado na si Atty. Michael Poa, NBI Chief Melvin Matibag at iba pa.

Kanina ay dumating dito si Assistant Ombudsman Mico Clavano pero umalis na rin siya matapos sabihan na sa susunod na impeachment hearing sa April 22 pa siya makakaharap.

Ang Ombudsman ay inatasan ng komite na magsumite ng statement of assets liabilities and networth ni VP Sara mula 2007 hanggang sa kasalukuyan patungkol sa akusasyon na mayroon itong kwestyunableng yaman.

Andito din sa peoples center ang mga complainant ng ikatlo at ikaapat na reklamong impeachment laban sa ikalawang pangulo.

Facebook Comments