MANILA – Magpupulong ngayong araw ang Estados Unidos at Pilipinas.Inaasahang pag-uusapan ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na makikipaghgiwalay na ito sa us at makikipag-alyansa na ito sa China at Russia.Sinabi ni State Department Spokesman John Kirby na pagkakataon ito para linawin ang ibig sabihin ni Pangulong Duterte na hiwalay na ang US sa aspetong militar at ekonomiya.Pero, paglilinaw ni Socio Economic PlanningSec.ErnestoPerniamananatili ang economic trade at relasyon ng Pilipinas sa Amerika at sa iba pang Western Countries.Giit ni Pernia ang tanging magbabago lamang ay ang foreign policy ng Pilipinas sa Amerika.Kabilang sa magpupulong ay sina Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay at Assistant Secretary of State For East Asian and Pacific Affairs Daniel Russel.
Pilipinas At Amerika, Magpupulong Ngayong Araw, Pakikipaghiwalay Ng Bansa Lilinawin
Facebook Comments