Manila, Philippines – Lumagda ang Pilipinas at Brunei sa Memorandum of Understanding na may kaugnayan sa Cultural Cooperation kung saan nakapaloob ang pagpapalakas ng kaalaman ng mamamayan ng dalawang bansa sa musical and performing arts, literature at iba pang cultural activities ng Pilipinas at Brunei.
Lumagda din sa Memorandum of Understanding ang Pilipinas at Brunei on Halal industry and Halal products development kung saan magtutulungan ang dalawang bansa para palakasin ang Halal industry na magbibigay daan sa mas malakas na trade and investment sa pagitan ng dalawang bansa.
Ilan lamang sa mga napagusapan ng dalawa ay ang pagpapalawak ng economic partnership ng Pilipinas at Brunei, laban sa iligal na droga, at terorismo sa rehiyon.
Si Bolkiah ang unang ASEAN State Leader na nagsagawa ng state visit sa pilipinas sa ilalim ng administrasyong Duterte, hahandugan naman mamaya ng State Banquet o State Dinner ni Pangulong Duterte si Bolkiah dito sa Malacanang at pagkatapos nito ay magkakaroon ng private time ang dalawang lider.