
Pormal nang magiging ganap na miyembro ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN ang Timor-Leste sa kasalukuyang 48th ASEAN Summit sa Cebu.
Sa mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nitong ang pagpasok ng Timor-Leste bilang ika-11 miyembro ng ASEAN ay patunay sa patuloy na pagpapalakas ng pagkakaisa at kooperasyon sa Southeast Asia.
Ayon sa pangulo, mahalaga ang hakbang na ito upang maging mas inklusibo at mas nagkakaisang rehiyon sa gitna ng mga hamon sa buong mundo.
Dumalo rin ang Timor-Leste bilang observer state sa 47th ASEAN Summit sa Malaysia noong nakaraang taon bilang bahagi ng paghahanda nito sa full membership.
Noong 2022, inaprubahan ng ASEAN leaders ang in-principle admission ng Timor-Leste matapos ang mahigit isang dekadang aplikasyon nito.
Sa pormal na pagsapi nito ngayong 2026, ito ang unang pagpapalawak ng ASEAN sa loob ng mahigit 20 taon.










