Pilipinas, handa sa monkeypox global emergency – DOH

Wala pang naitatalang kaso ng monkeypox sa Pilipinas.

Sa kabila nito, tiniyak ng Department of Health sa publiko na handa itong tumugon sakaling makapasok na sa bansa ang sakit.

Ayon sa DOH, mula nang tumaas ang kaso ng monkeypox sa ibang mga bansa noong Mayo ay sinimulan na rin ng ahensya ang paghahanda sa posibleng pagpasok nito.


Matatandaang idineklara na ng World Health Organization ang monkeypox outbreak bilang public health emergency of international concern.

Kaugnay nito, inirekomenda ng WHO ang pag-activate ng mechanisms para sa paghahanda at pagtugon, pagpapataas sa awareness ng publiko hinggil sa kung paano kumakalat ang sakit at pagpapalakas ng detection capacity, epidemiology at disease surveillance.

Samantala, Mayo pa lamang ay bumuo na ng technical guidelines ang Philippine Inter-Agency Committee on Zoonosis (PhilCZ) para sa surveillance, screening, management at infection control ng monkeypox/

Ang PhilCZ ay binubuo ng DOH, Department of Agriculture (DA), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang ahensya.

Facebook Comments