
Hindi na hihingi ng tulong sa ibang bansa ang Pilipinas sa kabila ng pinsalang iniwan ng Bagyong Tino.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, may sapat na pondo ang pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhan.
May quick response fund aniya ang gobyerno na maaari pang madagdagan kung kinakailangan.
Dagdag pa ni Castro, makaaasa ng tulong ang mga lokal na pamahalaang nangangailangan ng karagdagang pondo mula sa national government.
Gayunpaman, sinabi ni Castro na bukas naman ang pamahaalaan sa pakikipagtulungan sa mga bansang nagnanais tumulong.
Nagpahayag na aniya ang ilang bansa tulad ng Australia, Canada, at Estados Unidos, pati na rin ang mga kasaping bansa ng ASEAN, na tumulong sa recovery efforts ng Pilipinas.
Facebook Comments









