Nakapagtala ang Pilipinas ng 1,382 na bagong kaso ng Omicron subvariant ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay batay sa resulta ng pinakahuling genome sequencing ng DOH sa Baguio General Hospital Medical Center at University of the Philippines – Philippine Genome Center Visayas mula June 26 hanggang 29.
Sa naturang kaso, 1,251 dito ay natukoy na XBB, 46 ang BA.2.3.20, 35 ang BA.5, 6 ang XBC, 3 ang BA.2.75, 1 ang BA.4, at 40 iba pang omicron sublineages.
Mula noong July 6, nakapagtala na ang bansa ng 6,771 na aktibong kaso ng COVID-19 kung saan 66,000 na ang nasawi mula nang magsimula ang pandemya sa bansa.
Facebook Comments