Tiwala ni PBBM kay Secretary Frasco, buo pa rin sa gitna ng kontrobersya sa ‘Love the Philippines’ tourism campaign

May tiwala pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Department of Tourism (DOT) Secretary Maria Cristina Frasco.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Pangulong Marcos na nagkausap na sila ni Secretary Frasco at nakita raw niyang mabilis ang aksyon nito.

Partikular na tinukoy ng pangulo ang agarang pagkansela ni Frasco sa kontrata ng DOT sa advertising agency na gumawa ng video ad na ‘Love the Philippines’, habang nire-review na rin daw ni Frasco ang iba pang kontrata.


Sinabi ng pangulo, naniniwala siyang under control ni Frasco sa sitwasyon at alam nito ang dapat gawin.

Kumpyansa ang pangulo na maaayos ng kalihim ang problema at magiging matagumpay pa rin ang kampanya ng ‘Love the Philippines’.

Facebook Comments