PINABULAANAN | Pagdukot at pagpatay sa 3 magsasaka sa Camarines Sur, itinanggi ng militar at NPA

Camarines Sur – Kapwa parehong pinapabulaanan ng Philippine Army at ng New People’s Army (NPA) na sila ang responsable sa pagdukot at pagpatay sa tatlong magsasaka sa Ragay, Camarines Sur.

Ayon sa 9th Infantry Division ng Philippine Army, matapos makipag-ugnayan sa kanila ang pamilya ng mga biktima noong Mayo, agad silang nagsagawa ng hiwalay ng imbestigasyon.

Lumalabas na hindi ang tropa ng gobyerno ang dumukot sa mga biktima na agad naman nilang ipinarating sa mga pamilya nito.


Nabatid na baka napagkamalan ng rebeldeng grupo ang mga biktima na nagpapaabot ng impormasyon sa militar.

Pero mariin naman itinanggi nang nagpakilalang ka Michael Robredo ng Norben Gruta command ng NPA na sila ang pumatay sa mga magsasaka.

Facebook Comments